CAUAYAN CITY – Siyamnapong bahagdan nang handa ang Local Government Unit ng Ilagan City bilang host ng 2018 Philippine Athletics Championships na gaganapin sa May 30, 2018 hanggang June 4, 2018 sa City of Ilagan Sports Complex.
Sa panayam ng Bombo radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Ricky Laggui, General Services Officer ng LGU Ilagan City na nasa finishing touches na lamang ang kanilang ginagawa upang maging 100 percent na silang maging handa.
Sinabi ni Ginoong Laggui na malaking karangalan sa Ilagan City at buong lalawigan ng Isabela na magiging host muli sa 2018 Philippine Athletics Championships dahil bukod sa mga lokal na atleta na manggagaling sa iba’t ibang panig ng bansa ay mayroon pang mga international atheletes.
Umaabot anya sa mahigit 50 organizations at mga paaralan ang sumali sa 2018 Philippine Athletics Championships bukod pa sa foreign continegent na magmula sa sampong bansa.
Inihayag pa ni Ginoong Laggui na sa openning ceremony ay magkakaroon ng entertainment at magtatanggal ang singer na si Morissette Amon upang mapasaya ang mga manonood at magkakaroon rin ng grand fireworks display.




