--Ads--

CAUAYAN CITY – Sampong katao ang dinakip ng mga otoridad sa barangay Calaocan, Santiago City dahil sa pagsusugal .

Ang mga nadakip ay sina Andres Alingog, 61 anyos, may-asawa, magsasaka; Mario Javier, 39 anyos, may-asawa, tindero at kapwa residente ng Putok 4, Calaocan, Santiago City dahil sa pagto-tong-its.

Nadakip rin dahil sa paglalaro ng Cara y cruz sina Arjay Baniaga 26 anyos, mag-asawa, Construction worker; Andy Andres,53 anyos, may-asawa, self employed at kapwa residente ng Purok 4, Calaocan Santiago City; Ausebio Antonio, 57 anyos, may-asawa, photographer at residente ng purok uno, Calaocan, Santiago City

Nadakip din ang mga naglalaro ng Bingo na sina Rose, 17 anyos; Marivic Estacio, Norma Opillo, Cherrfe Manuel, Mamae Rodellas, pawang residente ng Purok 4, Calocan, Santiago City.

--Ads--

Una rito nakatanggap ng impormasyon ang Station 1 ng Santiago City Police Office na may nagaganap na illegal na pagsusugal sa barangay Calaocan tulad ng Tong-its, Cara y Cruz at Bingo kaya agad silang nagdagawa ng anti illegal gambling operation at nadakip ang mga suspek na aktong nagsusugal.

Nasamsam sa mga suspek ang mga kagamitan sa pagsusugal at bet money na mahigit P/1,500.00.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek.