--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaabot sa sampung katao ang sangkot sa illegal na droga ang nadakip ng mga pulis sa sabayang drug buy bust operation na isinagawa ng mga himpilan ng pulisya sa Isabela .

Sa Loria, Angadanan ay nadakip si Arvin Abracia, 26 anyos, binata , walang trabaho at residente ng nasabing lugar.

Nasamsaman sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalaang shabu na ninili ng pulis na nagsilbing poseur buyer at drug buy bust money.

Nadakip naman sa San Juan, Aurora si Jesus Garcia, 29 anyos, tsuper at residente ng San Pedro , San Pablo, Isabela sa isinagawang drug buy bust operation.

--Ads--

Si Garcia ay tokhang responder subalit hindi nagtapos ng Community Base Rehabilitation Program ng pulisya

Nasamsam sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nadakip din sa San Fermin Cauayan City si Jaime Limon, 48 anyos, truck helper na residente ng San Pedro, Aurora, Isabela.

Nasamsaman sa kanya ang marked money at isang sachet ng hinihinalang shabu .

Nadakip din sa Centro, Cabatuan si Alvin Tapaoan, 19 anyos, mag-aaral naninirahan sa Cabaruan, Cauayan City at residente rin ng Magdalena, Cabatuan, Isabela.

Nasamsaman sa suspek ang isang rolled dried marijuana na nakabalot sa kalendaryo na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P/20,000.00.

Nadakip din ng pulisya sa Del Pilar, Cabatuan, Isabela si Kelvin Lamog, binata, self employed, residente ng Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela.

Si Lamog ay nasamsaman ng isang sachet ng hinihinalang naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Dinakip naman ng mga kasapi ng Echague Police Station si Rustom Callangan dahil sa kasong kinakaharap may kaugnayan sa illegal na droga.

Sa Balacayu San Pablo, Isabela ay dinakip sina Dionicio Mansibang,43 anyos, may-asawa, drayber at Rene Boy Telan, 37 anyos, drayber kapwa residente ng Simanu Sur, San Pablo, Isabela.

Ang dalawa ay nasamsaman ng isang sachet na naglalaman ng dahon ng marijuana.

Sa Bugallion Ramon, Isabela ay nadakip sa drug buy bust operation si John Rey Aquino, 28 anyos, guwardiya at residente ng General Aguinaldo, Ramon, Isabela..

Nasamsaman kay Aquino ang isang sachet ng hinihinalang shabu ay drug buy bust money.

Pang-sampo namang dinakip ay si Rodel Botial alyas Jay-ar, 27 anyos, may-asawa, residente ng Santa Felomena, San Mariano, Isabela at nasamsaman ng mga pulis ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.