--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis na nagpapasalamat ang pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army lalo na ang 10 sundalong binigyan ng parangal at tulong pananalapi ni Pangulong Rodrigo Duterte nang magtungo siya sa Isabela noong June 21, 2018.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Army Captain Jefferson Somera, hepe ng Division Public Affairs ng 5th ID na ang sadyang pinuntahan ng pangulo ay ang burol ng napatay na na si
P/Chief Insp. Michael Angelo Tubania ngunit nagpunta siya sa 5th ID Hospital nang malaman na nagpapagaling pa rin doon ang sampong sugatang sundalo sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng NPA at teroristang Abu Sayaff.

Bukod sa Order of Lapu-lapu rank of Kampilan ay binigyan ang 10 sundalo ng gloc certificate o tig-isang Caliber 45 pistol, tseke na nagkakahalaga ng P/100,000.00, cash assistance na P10,000.00, cellphone at Office of the President Action Center card.

Inihayag ni Capt. Somera na nasa mabuti nang kalagayan at nagpapagaling pa rin sa military hospital ang mga nasugatang sundalo.

--Ads--