--Ads--

CAUAYAN CITY – Ginanap sa Lungsod ng Ilagan ang Regional Graduation Ceremony para sa mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s beneficiaries na nagsipagtapos na sa naturang programa o Conditional Cash Transfer program ng Pamahalaan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DSWD Regional Director Lucia Alan sinabi niya na isa sa naging batayan nila para ituring na graduate na mula sa programa ang mga napiling pamilya bilang benepisyaryo ay ang unti unting pag-ahon mula sa hahirapan sa tulong ng naturang programa.

Aniya naging malaking tulong ang programa para sa napakaraming Pamilyang Isabelino para mapag-aral ang kanilang anak habang may ilan na ginamit ang programa para mapaganda ang antas ng kanilang kalusugan.

Sa kabuuan ay umabot sa 1,086 benepisyaryo ang nagsipagtapos sa programa at nagkaroon ng pagbabago sa kanilang buhay, sa kanilang mga anak na nagtapos na sa pag-aaral at nagkaroon na ng magandang opurtunidad para makahanap ng trabaho.

--Ads--

May iba ring pagkakataon na sapilitang inalis na mula sa programa dahil sa ilang paglabag.

Paraan din ang pag-exit o pag-alis na ng ilang Pamilya sa 4P’s ay para mabigyang daan ang iba pang Pamilya na higit na nangangailangan ng suporta mula sa Pamahalaan.