--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasa humigit kumulang isang daang libong mga botante mula sa 2,300,000 na registered voters sa Rehiyon Dos ang deactivated na.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Election Officer  Atty. Jerbee Cortez aniya umabot na sa 100,000 registered voters ang delisted na sa kanilang masterlist.

Sa kasalukuyan ay nabawasan pa ito dahil may ilang botante na ang nagpa-reactivate.

Pinadalhan ng sulat ang mga deactivated voters kaya naman may ilang mga bumalik at muling nag parehistro.

--Ads--

Karamihan sa mga deactivated voters ay nabigong makaboto ng dalawang sunod na halalan.

Pinapayuhan ngayon ang mga deactivated voters na magparehistro o magpa-reactivate na bago pa ang itinakdang deadline para sa voters registration.

Samanatala, naging maayos ang sistema ng registration sa Lambak ng Cagayan na inaasahang mas dadagsain pa sa ikalawang linggo ng Agosto.