--Ads--

Tinatayang aabot sa 11 indibidwal ang nasawi sa Lebanon nang maglunsad ang Israel ng serye ng airstrike sa naturang bansa.

Ayon sa state media, isinagawa ang mga pag-atake noong Abril 5 habang ipinagdiriwang ng mga Kristiyanong Lebanese ang Linggo ng Pagkabuhay.

Sa ulat ng Lebanon health ministry, isang airstrike ang tumama sa Kfarhata na nagresulta sa pagkamatay ng pitong indibidwal, kabilang ang 4-anyos na bata.

Isa pang pag-atake ng Israel sa Jnah na distrito sa Beirut ang pumatay sa apat na katao at ikinasugat ng 39 iba pa.

--Ads--

Walong airstrike naman umano ang tumama sa katimugang bahagi ng kabisera, ayon pa sa ulat ng state media.