Dahil sa depekto ng David’s Sling aerial interceptor system, dalawang Iranian ballistic missiles ang tumama sa Israel, na nagdulot ng pagkasugat ng maraming tao, ayon sa militar.
Tinamaan ang mga bayan ng Dimona at Arad, kung saan pinaniniwalaang itinatago ang nuclear arsenal ng Israel. Karamihan sa mga sugatan ay dahil sa shrapnel o habang nagmamadaling pumunta sa mga shelter. Nasira rin ang ilang gusali dahil sa mga pag-atake.
Iniulat ng Israeli financial website ang David’s Sling, pangunahing bahagi ng multi-layered air defence ng Israel, ay bigong harangin ang mga papasok na Iranian missiles.
Nagsimula ang operasyon ng David’s Sling noong Abril 2017 at idinisenyo upang saluhin ang malalaking rockets at cruise missiles. Karaniwang ginagamit ang Arrow system sa long-range ballistic missiles, habang ang Iron Dome at bagong Iron Beam laser system ay para sa mas maliliit na missiles.










