--Ads--

CAUAYAN CITY– Labing dalawang sundalong kasapi ng 5th Infantry Division Philippine Army na nakahimpil sa Gamu, Isabela ang nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang mass swab testing noong nakaraang linggo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Jekyll Dulawan, Chief ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Phil. Army, sinabi niya na 12 mula sa 1,000 sundalo na kinunan ng sample at sinailalim sa pagsusuri ang nagpositibo sa COVID 19.

Aniya ang mga nagpositibong sundalo ay kasalukuyan ng sumasailalim sa isolation.

Napapanahon naman anya ang paglabas ng resulta ng mass swab testing dahil nalaman agad ang kalagayan ng mga sundalo bago pa sila maitalaga sa ibat ibang lugar na nasasakupan ng 5th ID.

--Ads--

Umaasa siya na mananatiling nasa maayos na kondisyon at malusog ang kanilang mga sundalo upang magampanan pa rin ang kanilang tungkulin.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Jekyll Dulawan