--Ads--
Patuloy ang karahasan sa Gaza Strip matapos mapatay ang 13 katao at masugatan ang dose-dosenang iba pa sa mga bagong pag-atake ng militar ng Israel nitong Linggo. Naganap ang mga pambobomba sa Khan Younis, Gaza City, at Deir el-Balah, kasabay ng bagong negosasyon sa Egypt upang isalba ang ceasefire na unang napagkasunduan noong Oktubre 2025.
Sa usapan sa Cairo kasama ang mga tagapamagitan mula sa Egypt, Qatar, at Turkiye, iginiit ng Hamas na dapat munang itigil ng Israel ang mga pag-atake.
Sa kabila ng umiiral na tigil-putukan, umabot na sa 947 Palestinians at apat na sundalong Israeli ang nasawi simula noong nakaraang Oktubre, habang patuloy naman ang pagpapalawak ng Israel sa kontrol nitong teritoryo sa Gaza.











