--Ads--

CAUAYAN CITY– Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang tsuper ng tanker na nakasagasa isang binatilyo sa Brgy. Sto Domingo proper, Bambang,Nueva Vizcaya

Ang Hini tanker na may plakang NEO 9828 ay iminaneho ni Nomer Abad, 45 anyos, may-asawa at residente ng Tres Reyes, Saguday, Quirino.

Ang biktima ay si Cendric Ambito, 14 anyos , estudyante at residente ng Ineangan Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Ayon sa Bambang Police Station, ang biktima ay nasa outer lane sakay ng kanyang bisikleta patungong hilagang direksiyon nang maganap ang aksidente.

--Ads--

Bumusina umano ang driver ng tanker upang magbabala sa mga nagbibisikleta.

Pumagilid naman ang biktima subalit nagawi sa gilid ng konretong daan at natumba.

Dahil dito, pumailalim ang biktima sa nasabing tanker na agad niyang ikinamatay.

Nasa kustodiya ng PNP Bambang ang driver ng tanker at inihahanda na ang kaso laban sa kanya.