--Ads--

Ayon sa tagapagsalita ng Pentagon na si Sean Parnell, tinatayang 140 sundalong Amerikano ang nasugatan mula nang magsimula ang Operation Epic Fury laban sa Iran. Sa bilang na ito, 108 na ang nakabalik sa tungkulin, habang 8 ang nananatiling malubha ang kondisyon at patuloy na ginagamot.

Pitong sundalong Amerikano na ang kumpirmadong nasawi sa labanan.

Ang pinakahuling nasawi ay inuwi nitong Lunes ng gabi sa isang dignified transfer ceremony sa Dover Air Force Base, Delaware.

Ayon sa ulat, ang mga tinuturing na “seriously wounded” ay may mga pinsalang maaaring magdulot ng kamatayan o malapit nang ikamatay.

--Ads--

Samantala, iginiit ng White House press secretary Karoline Leavitt na ang digmaan laban sa Iran ay magreresulta sa mas mababang presyo ng langis sa pangmatagalang panahon, kahit pa pansamantalang tumaas ang presyo ng enerhiya sa buong mundo.

Sinabi niyang pansamantala lamang ang pagtaas ng presyo at gumagawa ng hakbang ang administrasyon upang maibsan ang epekto, kabilang ang pag-insure sa mga tanker na dumaraan sa Strait of Hormuz at pag-waive ng ilang oil-related sanctions.

Dagdag pa niya, handa ang militar ng US na magsagawa ng karagdagang operasyon upang matiyak na mananatiling bukas ang Strait of Hormuz.