CAUAYAN CITY- Pinatotohanan ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology ( BJMP ) Cabarroguis District Jail na 15.8 Million pesos ang halaga ng kanilang ipapatayo gusali
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Jail Senior Inspector Angelito Delasa, Jail Warden ng BJMP Cabarroguis District Jail na ang ipapatayo nilang gusali ay dalawang palapag na kayang mag-accomodate ng mahigit 100 inmates.
Umaasa si Jail Senior Inspector Delasa na makukuha muli ng BJMP Cabarroguis Distrcit Jail ang nakuhang parangal sa ikalawang rehiyon ngayong 2018 na nauna na nilang nakuha noong 2017.
Pinapurihan naman ni Mayor Avelino Agustin ng Cabarriguis ang mga kawani ng BJMP Cabarriguis District Jail sa pamumununo ni Senior Inspector Delasa dahil nag-negnegatibo sa drug test ang mga opisyal at inmates ng nasabing bilangguan.




