--Ads--

SA ANGADANAN, ISABELA – Ipinasakamay na ng Angadanan Police Station sa court of origin ang isang menor de edad na kanilang inaresto dahil sa kasong pagnanakaw ng kalabaw.

Ang suspek ay itinago sa pangalang Juan,16 anyps, out of school youth na residente ng San Vicente, Angadanan, Isabela.

Ang menor de edad ay dinakip ng mga kasapi ng Angadanan Police Station batay sa ipinalabas na warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Reymundo Aumentado ng Regional Trial Court Branch 20 Cauayan City.

Makakalaya lamang ang suspek kapag naglagak ng piyansang P/120,000.00 .

--Ads--