--Ads--

16 anyos na estudyante, patay matapos saksakin sa Isabela

CAUAYAN CITY – Patay ang isang Grade-11 student matapos saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa District 2, Cauayan City.

Ang biktima ay si Mark Anthony Gallego ,16 anyos at residente ng ng Cauayan City.

Inihayag sa Bombo Radyo Cauayan ni P/Senior Inspector Essem Galiza ng Cauayan City Police Station na lumabas sa kanilang pagsisiyasat, habang naglalakad ang biktima kasama ng kaniyang pinsan na si Jonel Cauilan, 17 anyos bigla na lamang sinaksak ng suspek si Gallego.

--Ads--

Hindi naman kaagad napansin ni Jonel kung paano sinaksak ang pinsan at saka niya na lamang nalaman ito ng tawagin ng siya ng biktima.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit dahil sa tinamo nitong malalim na saksak sa dibdib ay nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Sa ngayon ayon pa kay Sr. Insp. Galiza na patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon para malaman ang motibo sa pananaksak at ang pagkakakilanlan ng suspek.