--Ads--

Iniulat ng United States military na winasak ng kanilang pwersa ang 16 na Iranian naval vessels na ginagamit para sa paglalatag ng mga naval mines malapit sa Strait of Hormuz, isang kritikal na daanan ng malaking bahagi ng pandaigdigang suplay ng langis.

Ang operasyon ay isinagawa nitong Marso 10 at bahagi ng mas malawak na tensyon sa Gitnang Silangan dahil sa mga ulat na sinimulan ng Iran ang paglalagay ng mga naval mines na banta sa seguridad ng pandaigdigang oil shipments at kalakalan.

Una nang napaulat ang umanoy paglalatag ng mga naval mines sa lugar, na nagdulot ng malawakang pag-aalala sa mga pandaigdigang merkado ng enerhiya at seguridad sa mga ruta ng barko.

Ang sitwasyong ito ay bahagi ng mas malawak na sigalot na kasalukuyang umiiral sa rehiyon at patuloy na binabantayan ng mga pandaigdigang lider dahil sa potensyal nitong makaapekto sa suplay ng langis at seguridad ng mga ruta ng dagat.

--Ads--