CAUAYAN CITY – Hinuli ang isang menor de edad na mag-aaral sa isinagawang drug buy-bust operation ng Ilagan City Police Station at Phil. Drug Enforcement Agency ( PDEA ).
Ang dinakip ay 17 anyos na residente ng Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng inteligence operatives ng Ilagan City Police Station sa pangunguna ni P/Supt. Rafael Pagalilauan, ang hepe ng Ilagan City Police Station at mga kasapi ng PDEA sa Northern Isabela.
Isa sa kanila ang nagpanggap na poseur/buyer sa isinagawang transaksiyon at napatunayan na nagbebenta ng illegal na droga ang mag-aaral.
Nakuha sa kanya ang isang balot ng pinatuyong dahon ng marijuana at ang P/1,000.00 buy bust money.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang menor de edad para dokumentasyon at disposisyon bago ipasakamay sa City Social Welfare Development Office.




