--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang mag-aaral na nagdala ng hinihinalang marijuana sa loob ng kanilang paaralan sa Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Station 1 ng Santiago City Police Office ang guwardiya ng nasabing paaralan ang nakahuli sa mag-aaral.

Nasamsam sa pag-iingat ng 17 anyos na mag-aaral ang tatlong piraso ng maliit na transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang marijuana.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inamin ng mag-aaral na nakuha sa kanyang pag-iingat ang nasabing marijuana.

--Ads--

Sinabi pa niya na isang taon na siyang gumagamit ng marijuana.

Ayon pa sa nasabing mag-aaral, lima silang mga mag-aaral na gumagamit ng marijuana.