CAUAYAN CITY- Inaalam pa ng puliysa kung magkano ang halaga ng 18 sachet ng hinihinalang shabu na nasamsam sa isang lalaki ng pinagsanib na pwersa ng Santiago City Drug Enforcement Unit at Regional Drug Enforcement Unit sa Barangay Calaocan,Santiago City.
Ang dinakip ay si Johnny Lee, 31 anyos at residente ng nabanggit na lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Reynaldo Maggay, ang hepe ng SCPO-Station 2 na ang dinakip ay newly identified drug personality.
Bagamat marami aniya ang sumukong drug personality ay patuloy pa rin sila sa pagbabantay sa kanilang nasasakupan dahil sa mga bagong drug personality sa Lunsod ng Santiago.
Naaktuhang nagbebenta ng llegal na droga ang suspek sa isang pulis na umaktong pussuer buyer.
Nakuha sa kaniyang pag-iingat ang 18 pakete ng hinihinalang naglalaman ng shabu at drug buy bust money.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.




