--Ads--

Arestado ang isang 19-anyos na binata matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o ang Violence Against Women and their Children (VAWC) sa Santiago City.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Mark,” isang self-employed at residente ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, inaresto ang akusado sa kanyang tinitirhang bahay matapos ipatupad ng mga awtoridad ang warrant of arrest na inilabas ng korte kaugnay ng reklamo laban sa kanya.

Ayon sa korte, maaaring makalaya ang akusado kung makapagpiyansa ng P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaso.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, bago ito iharap at ilipat sa korteng naglabas ng warrant para sa karagdagang pagdinig ng kanyang kaso.