--Ads--

Nagsampa ng reklamo si 1PWD Party-list Representative John Daniel Castro laban sa mga producer at host ng podcast na “Machong Chismisan” kaugnay ng umano’y mapanirang pahayag tungkol kay Joshua Aquino, anak ni Kris Aquino na nasa autism spectrum.

Ayon kay Castro, diskriminasyon sa mga person with disabilities (PWDs) ang naturang mga pahayag at hindi ito dapat maulit.

Nauna nang ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga host upang imbestigahan ang posibleng paglabag sa Magna Carta for Persons with Disability at Cybercrime Prevention Act.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na gagamitin sa imbestigasyon ang episode na inilabas online noong Oktubre 5. Posibleng magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga mapatutunayang responsable.

--Ads--

Sa ilalim ng Magna Carta for Persons with Disability, maaaring patawan ng multang ₱5,000 hanggang ₱100,000, pagkakakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon, o pareho ang sinumang mapatunayang nagkasala ng pampublikong pangungutya o paghamak sa mga PWD.