--Ads--

CAUAYAN CITY – Magpupulong ang mga opisyal ng pamahalaang lunsod ng Ilagan para pag-usapan ang pagbibigay ng parangal sa dalawang atletang tubong City of Ilagan na nakakuha ng medalya sa nagpapatuloy na 31st South East Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni General Services Officer Ricky Laggui ng LGU City of Ilagan na natutuwa si Mayor Jose Marie Diaz sa tagumpay ng mga international athletes na taga Lunsod ng Ilagan na nagkamit ng mga medalya sa 31st SEA games.

Nakita ng pamahalaang lunsod na naging matagumpay ang programa nila sa palakasan nang magkamit ng Silver medal si  Hokett Delos Santos sa event na Pole Vault.

Bagamat lumipat si Delos Santos sa Maynila ay patuloy pa rin ang pagtulong ng pamahalaang Lunsod at noong panahon ng pandemya ay hiniling niya na payagan siyang mag-ensayo sa Ilagan Sports Complex na kanilang sinuportahan.

--Ads--

Nakita nila ang disiplina ni Delos Santos sa sarili, pagtitiis at tiyaga sa pag-eensayo upang mapanatili ang focus sa kanyang event.

Sinabi ni Laggui na 100% ang suporta ng pamahalaang Lunsod ng Ilagan sa kanilang programang pang-palakasan.

Samantala, nauna nang nagmakit ng Bronze Medal sa Rowing si  Amelyn Pagulayan na tubong Camunatan, Ilagan City.

Ang tagumpay nina Delos Santos at Pagulayan ay palatandaan na kayang-kaya ng pamahalaang Lunsod na humubog ng mga international athletes.