Dalawang sangay ng US military umano ang nagkamaling bumomba sa isang elementarya sa Iran noong February 28, 2026, na ikinamatay ng hindi bababa sa 168 bata at 14 guro.
Nangyari ang insidente sa Shajareh Tayyiba school sa Minab habang target ng mga airstrike ang katabing pasilidad ng Islamic Revolutionary Guard Corps, at iniulat na ito ay dulot ng lumang impormasyon tungkol sa lokasyon ng base.
Ayon sa paunang imbestigasyon, ginamit ng US Central Command ang datos mula sa Defense Intelligence Agency na lipas na, dahilan ng pagkakamali. Lumabas sa satellite images mula 2016 at 2025 na hiwalay na ang school compound sa military base, ngunit tila nagkamali sa coordinates ng target.
Batay sa analysis ng mga eksperto at larawan ng debris mula sa site ay nagpapakita na ang bomba ay posibleng isang Tomahawk cruise missile ng US. Patuloy ang imbestigasyon ng Pentagon at White House habang kinukwestyon ng international community ang insidente.











