--Ads--
CAUAYAN CITY- Patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat ang Alfonso Lista Police Station sa sumbong na panggagahasa sa dalawang menor de edad ng lalaki na sinamahan umano nila patungo sa bayan ng Alfonso Lista, Ifugao.
Nag-inuman umano ang mga biktima at suspek sa kanilang jamming na nauwi sa panghahalay sa 15 anyos at 16 anyos na dalagita.
Isinailalim na sa medical examination ang dalawang biktima.
Maaaring babagsak sa regular filing ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek dahil nangyari ang panghahalay noong nakaraang biyernes ng gabi.
--Ads--
Nagpaalala pulisya sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga menor de edad na anak at pagsabihang iwasang sumama sa mga hindi lubos na kakilala para maiwasan na malagay sa kapahamakan.




