CAUAYAN CITY -Dalawang lalaking hinihinalang kasapi ng budol-budol gang ang nadakip Echague Police Station sa tangkang pambibiktima sa isang nagosyante .
Ang mga nadakip ay sina Jestoni Banquito, 29 anyos, binata, residente ng Novaliches, Quezon City at Richard Sunico, 38 anyos, binata, at residente Caloocan City.
Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Echague Police Station, ang mga suspek ay nagpakilalang empleyado ng isang chicken dressing plant sa Echague, Isabela sa biktimang si Janeth Acorda residente.
Inalok umano ng 2 suspek ang biktima na kapag kukuha siya ng kanilang panindang mga frozen foods ay bibigyan umano siya libreng freezer.
Nang hingan umano ng biktima ng ID ang mga suspek ay iba naman umanong pangalan ng kumpanya sa halip na ang chicken dressing plant.
Agad na tumawag ang biktima sa himpilan ng pulisya at agad din namang nagsagawa ng operasyon ang Echague Police Station.
Matapos iabot ng biktima ang cash na P/25,000,00 sa 2 suspek ay kaagad silang dinakip ng mga pulis.
Nakumpirma ng pulisya na peke ang mga ID na ipinakita ng mga suspek.
Nahaharap sa kasong estafa ang dalawang suspek at inaasahan na may mga nabiktima pang dudulog sa kanilang himpilan matapos ang pagkakahuli sa dalawa.




