--Ads--

CAUAYAN CITY– Sobrang fanatics ang mga Briton sa larangan ng football kayat nagkaroon ng kaguluhan sa nasabing bansa matapos matalo ang koponan ng England sa Italya sa katatapos na UEFA Euro 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Girlie Manalo Gonito ng united Kingdom na ikinagalit ng mga Briton ang pananakit ng mga italian player sa kanilang player.

Sobra anyang nabash ang mga itim na players ng Britanya na sina Marcus Rashford at Bukayo Saka matapos bigong maka-goal ngunit ipinagtanggol sila nina Prince William at Prime Minister Boris Johnson.

Laman anya ng pambabash at racism kina Marcus at Saka na mahihina umanong itim.

--Ads--

Nahuli anya ng mga pulis ang nambash sa dalawa nilang players

Ikinagalit din anya nila ang ginawang apak, pagsuntok at paghila ng damit ng isang italian layer sa isang british player.

Mayroon anyang na-ospital nang dahil sa kaguluhan at mayroon nang naaresto ang mga otoridad..

Nagalit din anya ang mga Briton dahil sa hindi patas na pagbibigay ng parusa sa pananakit ng mga italian player sa kanilang player.

Bahagi ng pahayag ni Atty. Girlie Manalo Gonito