Dalawang kalsada ang naitala ng DPWH na impassable at one lane passable dahil sa pananalasa ng Bagyong Marce.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Maricel Asejo ng DPWH Region 2 sinabi niya na isang kalsada ang impassable o hindi madaanan sa Batanes dahil sa rockslides na nagsimula pa noong pananalasa ng Bagyong Leon.
May naitala namang one lane passable sa Gattaran Cagayan.
Sa kasalukuyan ay ito pa lamang ang mga impassable at one lane passable na kalsada dahil wala silang naitalang anumang National Bridges na apektado sa manalasa ang Bagyong Marce lalo na sa Cagayan.
Sa katunayan ay may ilang imprastraktura ang napinsala na noong Bagyong Leon at muling napinsala ng Bagyong Marce.
Wala pa naman silang initial damage sa imprastraktura dahil nagpapatuloy pa ang ginagawa nilang assessment.
Inaasahan namang gagawa sila ng interventions oras na gumanda na ang lagay ng panahon para magsagawa ng clearing operations.
Samantala, nanatili namang handa ang DPWH sa inaasahang panibagong Bagyo na posibleng muling manasala sa Northern Luzon.
Aniya tutukan ng kanilang quick response team ang road accesibility at major road channels.