--Ads--
CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng San Mariano Police Station ang dalawang pinaghihinalaang nahaharap sa kasong attempted murder sa Barangay Cataguing .
Ang suspek ay sina Dexter Calixto, 35 anyos, may-asawa, magsasaka at Carlina Pagallaman,65 anyos, may-asawa at kapwa residente ng Cataguing, San Mariano.
Ang mga kasapi ng San Mariano Police Station ay dinakip ang dalawang pinaghihinalaan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Hukom Rodolfo Dizon ng Regional Trial Court Branch 18 Ilagan City.
Makakalaya lamang pansamantala ang dalawang suspek kapag naglagak ng piyansang tig-P/72,000.00 .
--Ads--




