--Ads--

Nailigtas ang dalawang indibidwal mula sa isang hydropower tunnel sa Nepal, siyam na araw matapos ang mapaminsalang flash flood sa border ng Nepal at China.

Kinilala ang mga nailigtas na sina Sanjaya Shah at Kabir Maharjan. Masiglang sinalubong ng mga rescue worker ang dalawa matapos silang maiahon mula sa tunnel.

Ayon sa mga awtoridad, tinatayang nasa 42 katao pa ang maaaring mailigtas matapos makarinig ng mga boses ang rescuers sa loob ng tunnel nitong Biyernes.

Patuloy naman ang malawakang search and rescue operation, kabilang ang pagbomba ng hangin sa mga tunnel upang mapanatiling ligtas ang mga posibleng nakulong doon.

--Ads--

Mahigit 150 katao pa rin ang pinangangambahang nakulong sa malawak na network ng mga tunnel sa mga hydropower site sa tabi ng ilog.

Samantala, hindi bababa sa 1,200 katao na ang naiulat na nasawi dahil sa naturang kalamidad.