Naharang at nahuli ang dalawang lalaki sa isinagawang Comelec Checkpoint ng mga kasapi ng Nagtipunan Police Station sa National Highway na bahagi ng Brgy Dipintin, Nagtipunan, Quirino dahil sa pagdadala ng mga walang dokumentong pinutol na kahoy na lulan ng isang Van.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj.Fernando Manayod,hepe ng Nagtipunan Police Station sinabi niya na kinilala ang dalawa na sina Alyas “Jhon”, 39-anyos, may asawa, driver at si Alyas “Rey”, 29 -anyos , may asawa, helper at pawang residente ng Maddela, Quirino.
Nasamsam sa kanila ang iligal na pinutol na kahoy ng G-melina na may kabuuang board feet na 322 na nagkakahalaga ng sampung libong piso.
Aniya ang naturang mga kahoy ay mula sa Bayan ng Maddela partikular sa Barangay Ismael at dadalhin sana sa isang furniture shop sa Barangay Dipintin para gawing muebles subalit kalaunan nakumpirma na ibebenta nila ito.
Ang mga suspek ay pansamantalang pinalaya matapos makapag piyansa sa kasong kinakaharap na paglabag sa Presidential Decree 705 o Illegal logging habang nanatili sa kanilang kostudiya ang saskayang ginamit sa pag transport ng mga kahoy .
Nakipag- ugnayan narin ang PNP Nagtipunan sa opisina ng CENRO Nagtipunan para sa scaling at kabuuang halaga ng mga nakumpiskang illegal na mga kahoy.