--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ang dalawang indibidwal sa ikinasang anti-illegal drug buybust operation ng otoridad sa brgy. Bantug, Roxas Isabela.

Ang mga suspek ay sina Rey, isang negosyante, at si alyas Meng, isang mekaniko at kapwa itinuturing bilang Street Level Individual.

Nasamsam mula sa mga pinaghihinalaan ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, 1,000 pesos na buy-bust money at isang itim na coin container na naglalaman ng isang pakete ng hinihinalang shabu.

Bukod dito, narekober pa ang personal money ng mga suspek, dalawang cellphone, wallet, ID, at sasakyan.

--Ads--

Ang pagkakadakip ng mga suspek ay naging matagumpay sa pagtutulungan ng mga kapulisan ng Isabela

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Roxas Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasongpaglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.