CAUAYAN CITY– Nasugatan ang dalawang lalaki matapos magtagaan sa barangay Bagutari, Santo Tomas, Isabela.
Ang biktima ay si Jerome Lopez, 22 anyos, may asawa at residente ng naturang lugar habang ang suspek ay si Jorlie Magundayao, 62 anyos, may asawa,magsasaka at residente rin sa naturang lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provicial Office, nag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa harap ng kanyang bahay nang dumating ang suspek na may dalang mahabang itak.
Bigla umanong tinaga ng suspek ang biktima sa kanyang ulo gumanti rin ang biktima hanggang sila ay magtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan.
Agad dinala sa pagamutan ang dalawang sangkot at patuloy na nilalapatan ng lunas.




