--Ads--

Dalawang (2) lindol ang yumanig sa karagatang malapit sa Balut Island, Sarangani, noong gabi ng Biyernes, Enero 9, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang unang lindol, na may lakas na magnitude 6.8, ay tumama bandang alas-10:58 ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter nito ay matatagpuan mga 315 kilometers sa timog-silangan ng Balut Island, na may lalim na 10 kilometers.

Nararamdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar sa Malungon at Kiamba sa Sarangani; Koronadal City at Tupi sa South Cotabato; at Palimbang sa Sultan Kudarat (Intensity II).

--Ads--


Naramdaman rin ang lindol sa Magsaysay sa Davao del Sur; Sta. Maria sa Davao Occidental; Nabunturan, Davao de Oro; Maitum at Malapatan sa Sarangani; Banga, Tampakan, T’Boli, Surallah, at Santo Niño, South Cotabato; at General Santos City (Intensity I).

Pagkaraan ng 17 minuto, isang mas mahinang magnitude 5.2 na lindol ang tumama dakong alas-11:15 ng gabi sa 350 kilometers epicenter ng timog-silangan ng Balut Island, sa parehong lalim na 10 kilometers.

‘Walang inaasahang pinsala mula sa naitalang dalawang lindol at gayundin ang anumang aftershocks.