--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang dalawang wanted na magsasaka dahil sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9262 ( Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) at attempted homicide.

Unang dinakip ng mga kasapi ng Tumauini Police Station si Aldrin Cervantes, 29 anyos, may asawa at residente ng Caligayan, Tumauini, Isabela.

Isinilbi ng pulisya ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Felipe Jesus Torrio II ng RTC Branch 22.

Maayos namang sumama si Cervantes sa mga kasapi ng Tumauini Police Station.

--Ads--

Dinakip naman si Kevin Macutay, 26 anyos, binata at residente ng District 1, Benito Soliven, Isabela.

Dinakip si Macutay ng Benito Soliven Police station sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge i Alfredo Alex Castillo ng MCTC.

Si Macutay ay nagkagak ng piyansang P/12,000.00 ng para sa kanyang pansamantalang kalayaan.