--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ang dalawang mangingisda na nawala sa karagatang sakop ng Calayan Island sa Cagayan hababng sakay ng motorized banca ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Lt Col Augusto Padua, commander ng Tactical Operations Group 2 ng Philippine Airforce (PAF) na ginalugad ng kanilang helikopter ang nasabing isla ngunit hindi nila nakita ang dalawang magsasaka na sina Norman Gumarang at Joel Pedronan, kapwa 25 anyos at residente ng Dilam, Calayan, Cagayan.

Pumalaot sa dagat ang dalawa noong Martes, Enero 14, 2020 dakong alas singko ng madaling araw ngunit alas singko na ng hapon nang malaman ng kanilang mga kasama na nawawala ang dalawa.

Patuloy ang paghahanap ng Philippine Coastguard (PCG) at LGU Calayan sa nawawala na dalawang mangingisda.

--Ads--
Ang tinig ni nLt Col Augusto Padua