--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang dalawang opisyal ng New People’s Army o NPA matapos manlaban sa mga sundalo at pulis na magsisilbi sana ng kanilang warrant of arrest sa Brgy San Miguel, San Manuel, Tarlac City

Ang mga namatay ay nakilalang sina Victorio Tesorio o alyas Dong, 1st Deputy Secretary ng Regional Operation Command ng Komiteng Rehiyon Hilagang-Silangang Luzon at Lolito Raza o alyas Lanlan, Commander ng Danilo Ben Command

Sa Exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Captain Jefferson Somera ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Phil. Army na isisilbi sana ang Warrant of Arrest laban sa dalawang mataas na opisyal ng NPA nang sila ay manlaban.

Inihayag pa ni Captain Somera na mayroong concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng dalawang mataas na pinuno ng NPA.

--Ads--

Mayroon ding subersibong dokumento at dalawang baril ang nakita sa pag-iingat ng dalawang napatay na pinuno ng mga rebelde na nauna nang idineklarang terorista ni Pangulong Rodrigo Duterte.