--Ads--

CAUAYAN CITY – Sugatan ang dalawang menor de edad na lalaki matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa Nungnungan II, Cauayan City, Isabela.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, patungo sana sa bayan ng San Mariano ang mga biktima nang maganap ang insidente.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa inspector ng sangkot na bus, sinabi niya na patungo silang Lungsod ng Tuguegarao at huminto lamang sa pinangyarihan ng insidente upang magsakay ng pasahero ngunit bigla na lamang umanong may bumangga ang isang motorsiklo sa likuran ng kanilang sasakyan.

Sa lakas ng impact ay nawasak ang harapang bahagi ng motorsiklo at nagtamo din ng pinsala ang likurang bahagi ng bus.

--Ads--

Nagtamo naman ng sugat sa katawan ang dalawang menor de edad na lulan ng motorsiklo na agad isinugod sa pagamutan ng mga rumespondeng rescuer.

Desidido naman ang inspector ng pamsaherong bus na pabayaran sa mga biktima ang pagpapaayos ng nasirang bahagi ng bus.