--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip sa pamamagitan ng buy bust operation ang dalawang katao sa harapan ng isang fast food chain sa San Pedro-San Pablo, Aurora, Isabela matapos magbenta ng mga overpriced na medical supplies.

Ang mga inaresto ay sina Eliza Sagabaen Baracao, 41-anyos, sales representative at residente ng Calao East, Santiago City, Isabela at Lorenzo Germino Santos, 55-anyos, tsuper at residente ng Malvar, Santiago City, Isabela.

Sa pinagsanib na pwersa ng Aurora Police Station, CIDG Isabela, DTI Isabela, Regional Investigation Unit at Isabela Highway Patrol Group ay naaresto ang mga pinaghihinalaan na nagbebenta ng overpriced na alcohol at medical supplies.

Nasamsam sa pag-iingat ng mga pinaghihinalaan ang 20 piraso ng 1,000 peso bill na ginamit bilang boodle money, 5 gallon ng Ethyl Alcohol na nagkakahalaga ng P3,000 at isang resibo ng pinagbentahan ng alcohol na may kabuuang halaga na P18,000.

--Ads--

Ang mga pinaghihinalaan at mga nasamsam na ebidensiya ay dinala na sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasiyon at disposisyon.