--Ads--

Dalawang katao ang nasawi matapos tangayin ng baha ang kanilang sasakyan sa gitna ng malawakang pag-ulan na tumagal nang ilang araw.

Nagbunsod ang pagbaha mula sa tuloy-tuloy at matinding pag-ulan na nagdulot ng pagkaantala sa operasyon ng mga pampublikong sasakyan kabilang na ang Amtrak.

Dahil sa lumalalang sitwasyon, idineklara ni Governor Phil Murphy ang state of emergency upang mapabilis ang pagtugon sa kalamidad.

Nagbabala rin ang gobernador sa posibleng pagbaha sa mga kalapit na lugar kabilang ang Washington D.C. at mga bahagi ng Carolinas.

--Ads--

Patuloy ang mga awtoridad sa pagsagawa ng rescue at response operations para sa mga apektadong komunidad.