--Ads--

Hindi bababa sa dalawang katao ang nasawi matapos flash flood sa Greece nitong Miyerkules, Enero 21.

Matinding pagbaha ang tumama sa Glyfada, isang suburb sa timog ng Athens.

Batay sa ulat isang babae ang nasawi sa Glyfada matapos tangayin ng rumaragasang baha at malunod. Samantala, sa lalawigan ng Arcadia, isang opisyal ng coast guard ang namatay matapos matangay ng malakas na hangin at mahulog sa pantalan.

Makikita sa kuhang video ang malakas na agos ng baha na dumaan sa isang kalsada sa Glyfada, pati na rin ang pinsalang iniwan ng bagyo. Ayon sa uploader, bumuhos mula sa kabundukan ang flash flood na sumira sa halos lahat ng madaanan nito patungo sa pangunahing lansangan.

--Ads--

Sa loob lamang ng 12 oras ay umabot sa karaniwang dami ng ulan sa loob ng isang taon ang bumagsak sa lugar. Dahil dito, nalubog sa baha ang mga basement ng karamihan sa mga bahay sa nasabing komunidad.