2 patay, 1 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Isabela
CAUAYAN CITY– Dalawa ang patay at isa ang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa lansangan na nangyari kagabi sa Brgy. Minante II at Brgy. Cabaruan, Cauayan City
Nasawi si Eddie Boy Vergara,32 anyos, may-asawa , residente ng Brgy. Magsaysay, Cabatuan, Isabela habang nasugatan ang nakabanggaan nyang si Jay-ar Lungub, 23 anyos, at residente ng Brgy. Santiago, Reina Mercedes, Isabela.
Sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police station, patungong hilagang direksiyon ang biktimang si Vergara sakay ng kanyang motorsiklo habang ang isa pang motorsiklo na minamaneho ni Lungub ay sa kasalungat na direksiyon nang makarating sila sa Brgy. Minante II, Cauayan ay umagaw ng linya ang suspek na nagresulta upang mabangga ang biktima.
Tumilapon sa shoulder road si Vergara na hindi na umabot ng buhay sa pagamutan habang si lungub ay nananatili pa rin sa isang pribadong pagamutan at isinailalim sa hospital arrest.
Samantala, agad na nasawi si Alexander Manalo, may-asawa, 39 anyos, salesboy at residente ng Villarta St. Dist. I Cauayan City matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa kasalubong na Isuzu forward truck na minamaneho ni Leocencio Guiab, 52 anyos, may-asawa, isang tsuper at residente ng San Pedro, Tumauini, Isabela.
Ang aksidente ay nangyari sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City.
Sa pagsisiyasat ni PO1 Ceasar Saer, bumangga sa kasalubong na forward ruck ang motorsiklong minamaneho ng biktima nang umagaw ng linya habang binabagtas ang south direksyon sa poblacion area.
Agad na namatay si Manalo habang ang tsuper ng forward truck ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.




