--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawa ang patay habang dalawa rin ang malubhang nasugatan sa banggaan kagabi ng dalawang motorsiklo sa San Pedro, Roxas, Isabela.

Ang mga namatay ay ang lulan ng Kawasaki Rouser na sina Arnold Managuelod, 29 anyos, may-asawa, magsasaka, tsuper ng motorsiklo at residente ng Imbiao, Roxas, Isabela at ang angkas na si Angelica Nava, 33 anyos,  tubong Tondo, Manila at pansamantalang nakatira sa Bantug, Roxas, Isabela.

Ang mga nasugatan ay ang mga sakay ng Suzuki Smash motorcycle na sina Joshua Rivera, 21 anyos binata, mason, tsuper ng motorsiklo at residente ng Muñoz East, Roxas, Isabela at ang angkas na si Jay-ar De Vera, 30 anyos, construction worker at residente ng San Pedro, Roxas, Isabela.

Binabagtas ng Kawasaki Rouser ang daan sa naturang barangay patungong kanluran nang bigla nitong masalpok ang Suzuki Smash  na patungo sa kasalungat na direksyon.

--Ads--

Nagtamo ng malalang sugat ang mga sakay ng dalawang motorsiklo na agad dinala sa isang ospital ngunit idineklarang dead on arrival sina Managuelod at Nava dahil sa malalang sugat sa kanilang ulo.

Dinala na sa Roxas Police Station ang dalawang motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.