--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawa ang patay, 2 ang nasugatan sa karambola ng 4 na sasakyan sa national highway sa San Andres, Ilagan City, Isabela.

Ang sangkot na sasakyan ay kinabibilangan ng Honda TMX motorcycle, Euro single motorcycle, motorsiklo na may kolong-kolong at Dalin Bus Liner na may plakang BVU-181.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City Police Station, nasawi ang 2 tsuper ng motorsiklo na sina Nerwyn Manuel, 23 anyos na residente ng Fuyo, Ilagan City at Dexter Lana, 25 anyos at residente ng Solana, Cagayan.

Ang driver ng pampasaherong bus ay si Anthony Ramos, 36 anyos at residente ng Palattao, Naguilian, Isabela.

--Ads--

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang tatlong behikulo ay patungong hilagang direksyon at nang marating ang nasabing lugar ay nabangga ng pampasaherong bus ang 3 motorsiklo na nagresulta ng pagkamatay ng 2 g tsuper ng motorsiklo at ikinasugat 2 pang tao.

Bagama’t agad dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ang 2 tsuper na sina Manuel at Lana.

Sa ngayon nasa pangangalaga na ng pulisya ang suspek na si Ramos habang inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide, Serious Physical injuries and Damage to property laban sa kanya.