--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa lockdown ang dalawang purok sa Magsaysay, Naguilian, Isabela  matapos makapagtala ng limang panibagong COVID-19 positive.

Ang limang bagong positibo ay nakasalamuha ni CV308 na unang positibo sa COVID-19 matapos siyang umuwi mula sa Quezon City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Juan Capuchino ng Naguilian, Isabela na pinulong na niya ang Municipal Inter-Agency Task Force at inatasan si  Barangay Kapitan Vicente Valdez na isailalim sa lockdown ang Purok Namnamana at Purok Ragsak sa barangay Magsaysay.

Nagsagawa na rin sila ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga COVID-19 positive at isinailalim sila sa swab test.

--Ads--

Sinabi pa ni Mayor Capuchino na inihahanda na nila ang mga food packs para sa mga pamilyang apektado ng lockdown sa dalawang purok ng barangay Magsaysay at hihingi rin sila ng tulong mula sa pamahalaang panlalawigan

Magugunitang  matapos matukoy na positibo sa VC308 ay isinailalim na sa swab test  ang kanyang mga kamag-anak na nakasalamuha  at nagpositibo  ang apat  na sina   CV333,  CV334,  CV335   at  si  CV336.

Nakaranas ng ubo si CV308 habang nanatiling asymptomatic ang  apat na kamag- anak.

Ang pahayag ni Mayor Juan Capuchino.