--Ads--

Isang giant Kuwaiti crude oil tanker na “Al-Salmi” ang tinamaan sa Dubai Port sa United Arab Emirates sa isang pag-atake na iniuugnay sa Iran, ayon sa Kuwait Petroleum Corporation.

Ang insidente ay nagdulot ng pagkasunog ng barko at pinsala sa hull nito habang naka-angkla at puno ng krudo na posibleng tumagas sa karagatan.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi na tripulante, pero nagpapatuloy ang emergency response teams sa pag-apula sa apoy at i-assess ang pinsala at posibleng epekto sa kapaligiran.

Nagdulot ito ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, kung saan ang West Texas Intermediate (WTI) crude futures ay tumaas ng higit sa 3%, habang nagpapatuloy ang tensiyon sa Gitnang Silangan at iba pang pag-atake sa mga imprastruktura sa rehiyon.

--Ads--