--Ads--

Pinalaya na ang dalawang South Korean activists na sina Kim Ah-hyun at Jonathan Victor Lee matapos silang maaresto ng mga puwersa ng Israel habang bahagi ng Gaza aid flotilla.

Ayon kay South Korean presidential spokesperson Kang Yu-jung, inaresto ang dalawa mula sa kanilang barko sa international waters habang sinusubukang maghatid ng tulong sa Gaza, ngunit agad ding ipinatapon ng Israel nang hindi na dinala sa detention center.

Nagpahayag ng concern ang pamahalaan ng South Korea sa pag-aresto sa kanilang mga mamamayan, ngunit tinanggap nito ang agarang pagpapalaya sa dalawa at kinilala ang naging desisyon ng Israel.