--Ads--

Dalawang sundalo ng Estados Unidos ang iniulat na nawawala habang lumalahok sa isang Military exercise sa Morocco.

Ayon sa pahayag ng US Africa Command (AFRICOM) nitong Linggo, ang dalawang sundalo ay nawala noong Sabado malapit sa Cap Draa Training Area sa lungsod ng Tan Tan, timog-kanlurang bahagi ng bansa.

Sinabi ng AFRICOM na patuloy ang imbestigasyon at nagpapatuloy ang malawakang search and rescue operations na nilahukan ng US, Morocco, at iba pang bansang kasali sa taunang African Lion exercise.

Ang African Lion ang pinakamalaking taunang joint military exercise ng US sa kontinente ng Africa. Ito ay isinasagawa sa Morocco, Ghana, Senegal, at Tunisia, na may layuning palakasin ang koordinasyon ng mga kalahok at ihanda sila sa pagtugon sa iba’t ibang krisis at emerhensiya sa Africa at sa buong mundo.

--Ads--