CAUAYAN CITY–Kinumpirma ni P/Senior Inspector Saturnino Aggabao, Deputy Chief ng Mallig, Isabela na naaresto sa lalawigan ng Kalinga ang dalawang suspek sa pagbaril at pagpatay kagabi sa kanilang hepe na si P/Senior Inspector Michael Angelo Tubania.
Ang dalawang pinaghihinalaan ay sina Warren Bulawit, 19 anyos, tsuper ng tricycle na residente ng Nambaran, Tabuk City, Kalinga at isang 17 anyos.
Nagsagawa ng puspusang operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Branch Isabela Police Provincial Office, Regional Intelligence Division, Police Regional Office Number 2, CIDG region 2, Mallig Police Station at Isabela Police Provincial Office
Magugunitang si Senior Inspector Michael Angelo Tubania ay binaril patay sa drug buy bust operation na isinagawa kagabi sa Centro Uno, Mallig, Isabela.




