--Ads--

CAUAYAN CITY- Dalawa tao ang patay habang apat ang sugatan sa magkasunod na kaso ng hit and run sa Isabela.

Nauna rito ay Isa ang patay, 3 ang nasugatan sa naganap na hit and run sa Abut, Quezon, Isabela.

Patay na nang idating sa pagamutan ang nasugatan na si Marcelino Guya, 49 anyos, may-asawa, karpintero.

Ang mga nasugatan ay sina Jordan Balagyo, 38 anyos, magsasaka, Reymund Monar, 19 anyos, construction worker; Rico Madamba, 48 anyos, karpintero, pawang residente ng Liwan Norte, Enrile, Cagayan.

--Ads--

Lumabas sa pagsisiyasat ng Quezon Police Station na ang apat na biktima ay sakay ng dalawang motorsiklo na minamaneho nina Balagyo at Monar patungong hilagang direksiyon nang mabangga sila ng motorsiklo na mabilis ang takbo.

Tumilapon ang mga biktima at nagtamo ng mga sugat sa kanilang katawan na nagbunga ng pagkasawi ni Marcelino Guya.

Una silang dinala sa Quezon Community Hospital ngunit inilipat ng Rescue 819 ng Quezon si Jordan Balagyo sa pagamutan sa Tuguegarao City.
Isa naman ang patay, Isa ang sugatan makaraang ma-hit and run ang sinasakyang motorsiklo sa Batal, Santiago City.

Ang nagmaneho ng motorsiklo at sugatan ay si Gener Banggolay, 18 anyos, residente ng Batal, Santiago City at ang namatay na backrider ay si Ferari Wandag, 34 anyos, may-asawa at residente ng Divisoria, Santiago City.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang motorsiklong sinasakyan ng dalawang ay binabagtas ang lansangang nasasakupan ng barangay Batal nang mabangga ng isang SUV sanhi para bumaliktad ang motorsiklo at tumilapon ang dalawang sakay.

Dinala sa pagamutan ang dalawang biktima ngunit idineklarang dead on arrival sa ospital si Wandag habang si Banggolay ay ginagamot pa rin.

Ang tsuper ng SUV na si Frederick Remegio, 34 anyos, residente ng Sinamar, San Mateo, Isabela ay sumuko sa San Mateo Police Station.