--Ads--

Ginanap ngayong umaga ang sashing ng nasa 20 Candidates para sa Miss Tourism Philippines 2025 sa ICON Hotel.

Naging mainit ang pagtanggap ng mga opisyal at residente sa Lunsod ng Cauayan sa mga kandidata na mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Inihayag ni Chief Executiove Officer ng Miss Tourism Philippines Amelia Amy Abarquez, sinabi niya na malaking hapon parta sa kanila ang pagpunta sa Lunsod para sa naturang patimpalak.

Mula sa dating 25 na kandidata at 20 candidates na lamang ang kumpirmado at opisyal na kalahok.

--Ads--

Pangunahing dahilan sa pag-atras ng ilang kandidata ay ang layo o travel distance at usaping inansiyal.

Ayon kay CEO Abarquez magandang pagkakataon ito para masubok ang katatagan ng bawat kandidata.

Sa katunayan hindi aniya biro ang paglahok sa pageant dahil talagang nangangailangan ito ng funds lalo at ang MTP ay isa sa mga pretiyosong pageants na nangangailangan ng maraming requirements at isa na rito ang isang video promotion ng candidata at ng kaniyang Lalawigan.